Monday, September 6, 2010

Ginger


GINGER
Hindi kumpleto ang tinola, Pinakbet, escabeche't batchoy kung walang luya. And these are only a few of the many Filipino dishes which generously use "luya" as a Major food spice.
Ginger (Zingiber officinale Roscae), locally known as "luya", ay mahalaga di-lamang bilang pampalasa ng lutuin kundi sa taglay nitong medicinal properties.
Dinikdik na luya idinarang sa baga ang kalimitang panlunas ng mga matatanda saa rayuma at nananakit na kalamnan.
6 na Uri ng LUYA
Native
maliit ang luya, mbunot at pinakamaanghang na uri
Red Native
hawig sa native nguni't mamula mula ang luya
Imugan
improved native; katamtaman ang laki at matibay laban sa mga sakit na dala ng lupa.
Hawaiian
foreign variety; mataba't matambok ang luya nito na di-nilawang kulay-lupa, may bahagyang bahid na mapula-pula. Ito ang malakas sa export market.
Jamaica "Oya"
foreign variety; katamtaman ang laki ng luya; maputla ang kulay ngunit mabango, karaniwang pinupulbos (processed) at inihahalo sa softdrinks.
Chinese Ginger
foreign variety; napakalaking luya na karaniwang tumitimbang ng 121g o higit pa ang isang putol nito; dilaw ang kulay, makatas at di-gaanong maanghang; Ito ang kananiwang ginagamit sa atsara, (pickles). Kalimitang umaani rito ng 10,000 kg - 20,000 kg per hactare sa ikawalo hanggang ika 10-buwan na panahon ng pag-aani.
Ginger thrives well almost anywhere in the country. At dahil ang ating lupa at klima ay angkop sa luya di-katakatakang kaya nating mapunuan ang pangangailangan ng mga ibang bansang umaangkat nito, tulad ng Canada, Hongkong, Japan, Singapore, USA, Netherlands, United Kingdom, Pakistan, Kingdom of Saudi Arabia at Brunei Darrusalam.
Kung nais ninyong mapasok ang export market, Jamaica Ginger variety ang inyong itanim. Paala-ala lamang: Dapat ninyong maabot ang export standards para sa produktong ito. Makipag ugnayan sa Department ogf Trade and Industry, Bureau of Export Trade and Promotion (Telephone No. 818-17-24), Senator Gil J. Puyat Avenue, Makati City 1200, Metro Manila.
TIPS SA PAGTATANIM NG LUYA
  • Pumili bg magandang uri ng luya (rhizomes); iyong mabintog, walang sakit o sugat at gumigiti na. Hiwain sa ilang piraso. Humigit-kumulang mga 20-50g ang timbang ng bawat piraso ng pananim at dapat may 2 o 3 mata. Huwag paarawan. Depende sa klase ng luya , mga 800 kg hanggang 3,000 kg binhi ang kakailanganin ng 1 hectare. Para sa kakailanganing binhi, maaring sumangguni sa Bureau of Plant Industry (BPI) San Andres, Malate, Manila 1004.
  • Ilagay ang binhi sa isang kaing. Ibabad ang kaing sa fungicide solution sa loob ng 15-30 minuto upang hindi amagin o mabulok ang binhi.
  • Para makagawa ng fungicide solution, tunawin ang 3-5 kutsara Benlate W.P.. Sundin lamang mabuti ang tamang rekomendasyon ng manufacturer na nakasulat sa etiketa.
  • Matapos ibabad, pahanginan ng 3 araw sa lilim ang binhi upang matuyong mabuti, bago itanim.
  • Araruhin at suyuring mabuti ang lupang pagtatamnan. Gumawa ng beds, 1 piye ang taas at 1 metro ang lapad sa kahit na anong haba ng taniman.
  • Kumuha ng dayami (rice straws); ikalat sa ibabaw ng beds at silaban. Ito ang proteksyon laban sa anumang mikrobyong naninirahan sa lupa na maaring makapinsala sa binhing bagong tanim. Ito ay dapat gawin nang (3) tatlong beses.
  • Kung ang lupa ay buhaghag (sandy) magpataba ng 400kg complete fertilizer (12-24-12) bawat ektarya. At, 300 kg complete fertilizer (N-P-K) bawat ektarya kung lagkitin, ito'y sa unang pag-aabono pagkatanim. Ang lupang lagkitin ay mas nagangailangan ng dagdag na pagpapataba kaya sa ika-3 at ika-4 na buwan kailangan mag-abono muli sa daming 400kg (N-K-P) bawat ektarya.
  • Ibaon ang seed piece o binhi sa lalim na 5cm. Sundin ang triangular pattern sa pagtatanim at panatilihin ang 30 cm na agwat sa beds ng mga binhi.
  • Pagkatanim, diliging mabuti ang mga beds o patubigan ang mga kanal sa pagitan ng mga beds.
  • Lagyan ng pangkulob ang ibabaw ng beds, dayami (rice straw) o palapa ng niyog, upang hindi tumubo ang mga damong-ligaw at   mapantiling mamasa-masa ang taniman.
  • Kapag nagsilitw na ang mga sibol ng luya sa pagitan ng mga pangkulob na dahon (mulch), mag-abono uli sa ikalawang pagkakataon upang mpabilis ang pagtubo ng mga luya.
  • Sa ika-walong buwan 0o mas maaga-aga pa rito, depende sa ginger variety, maninilaw na ang mga dahon ng luya, at maari nang mag-ani.
  • Bungkalin ang taniman, gumamit ng tinidor (spading fork)upang mabuhaghag ang lupa. Bunutin ang mga tanim. Putulin ang dahon sa pinakapuno, putulin din ang mga suloy at ugat. Hugasan sa tubig nang ilang beses; huwag hahayaang may maiwang lupa o dumi. Pahanginan, subalit sa malilim na lugar, nang matuyong mabuti at nang di-amagin o mabulok.
  • Kung kakailanganin, ilubog sa fungicide solution bago ibodega o imbakin. Sundin ang rekomendasyon ng manufacturer sa etiketa.
  • Sa Batangas, karaniwan nang iniimbak ang luya sa lupa. Naghuhukay sila ng 2m lalim at duon ikinakarga ang mga 2,000kg luya. Ang pag-iimbak na ito ay tumatagal nang isang taon.
   
 
  Instant Ginger Tea
Sangkap:
1 kilong luya (buo)
2-3 kilong asukal (pagsamasamahin ang pula at puti)
Paraan ng Paggawa:
  • Pililin ang mapuputi at murang luya.
  • Linisin at alisin ang may mga gasgas. Hugasan mabuti at timbangin
  • Balatan ang luya
  • Hiwain ng manipis o tadtarin.
  • Lagyan ng tubig (1 tasa 0 sapat lamang para matakapan)
  • Gilingin ang hiniwang luya sa osterizer, kung walang osterizer pukpukin ang hiniwang luya.
  • Salain at sukatin, kunin ang katas at lagyan ng asukal (2-3 kilo)
  • Haluin at pakuluin. Hinaan ang apoy kapag ang sirup ay malapot na.
  • Lutuin at haluin hanggang lumiit at matuyo (katulad ng cereal).
  • Bayuhin at salain.
  • Balutin ng maliit na plastic bagat isarang mabuti.
  • Para maging inumin o salabat, dagdagan ng 1 kutsarang instant ginger tea sa bawat tasa ng minit na tubig.
 
   
  Candied Ginger
  • Hugasan at kaskasin ang balat ng luya. Hatiin pa crooswise na ayon sa gustong hugis, 1/6 pulgada hanggang ½ pulgada ang lapad.
  • Ibabad sa tubig ang hiniwang luya habang ikaw ay gumagawa.
  • Pakuluin ang luya sa tubig ng 3 minuto at palitan ang tubig ng 9 hanggang 10 beses habang ito ay kumukulo para maalis ang anghang. Kapag nakuha na ang tamang anghang, dagdagan ng tubig at asukal (kalahati ng dami ng tubig) para matakpan ang hiwa-hiwang luya.
  • Ilaga ng 10 minuto at ilagay sa isang tabi buong magdamag.
  • Kinabukasan, lagyan ng parehas na dami ng asukal, ilaga ng 10 minuto at itabi.
  • Sa ikatlong araw, ilaga ang luya sa sirup hanggang ang sirup ay lumapot at matuyo.
  • Ikalat sa tray ang hiwa-hiwang luya at patuyuin mabuti.
 

No comments:

Post a Comment